Initiation: Simula para lang Makisama?

Isang uri ng pagsisimula

“Initiation”. Itong salita ay naging isang sanhi ng mga pagdududa, gulo, at kontrobersya sa mga nakaraang mga taon dahil sa mga ilang mga di kanais-nais na insidente dulot nito. Paminsan ang pumapasok sa isipan ng mga tao ay ‘hazing’, o ang pananakit, pagbubugbog o pagpapahiya na ginagawa sa mga nais sumali sa ilang mga fraternity sa mga paaralan. Pero kung tutuusin, hindi naman ito ang totoong kahulugan ng ‘initiation’. Ang initiation ay anumang aksyon, proseso o tradisyon na pinapagawa sa sino man gustong maging ganap na miyembro ng isang pangkat. Pwede ito maging simpleng bagay gaya ng pagpapakilala sa mga ibang tao sa grupo, o pwede rin ito maging isang mahabang proseso gaya ng mga orientation para sa mga bagong estudyante sa isang paaralan, o mga bagong empleyado sa isang opisina. Kadalasan hindi naman nagdudulot ng sakit o disgrasya ang mga karamihan ng mga initiation. Ginagawa lang ito para mapalapit ang mga loob ng mga mieymbro ng isang grupo sa isa’t isa, at para maiparating ng mas maigi sa mga bagong kasapi na mayroon mga kaisipan at tuntunin sa sinusunod sa organisasyon.

Nakakita na ako, o nakaranas na rin ng mga iba’t ibang uri ng initiation. Maswerte ako na ang aking mga kwento tungkol sa initiation sa mga ibang organisasyon at paaralan ay puro masaya. Siguro pinalad ako sa mga kasama ko, o marunong lang ako umiwas sa gulo. Hindi nga lang gaano kaswerte ang mga ilan kong kakilala. Naalala ko tuloy ang aking mga kaklase na nagsusuot ng mga costumes ng Superman, Captain Barbell, Wonderwoman, at minsan, pati mga halaman sa laro “Plants Vs. Zombies”, para lang maging bahagi ng isang varsity ng unibersidad. Minsan, dumaan ako sa isang plaza sa loob ng unibersidad. Tamang-tama, may mga ilang bata doon, may suot mga plakard na may nakakahiyang nakasulat, at nasisisigaw habang tumatawa ang mga ibang nanonood. Akala ko na malala na ang mga ito, hanggang sa nagkwento ang isa kong malapit kong kaibigan tungkol sa isang initiation kung saan siya’y pinahubad sa harap ng kanyang mga kasama. Hindi ko naitago ang aking gulat at galit sa nangyari. Minsan rin, nagkwento ang aking kapatid tungkol sa ‘planking’ na ginamit para sa initiation ng ilan mga kapwa niyang freshmen. Kailan pa naging uso na humiga sa sahig (kung saan ka pwede maapakan ng sino man) para mapabilang sa isang grupo? Para sa ilan mga tao, hindi masama na mapahiya, madumihan, o pagtripan ng iba, basta makasigurado lang na sa huli ng lahat, madadama na rin nila ang pakikisama.

Pinaguusapan namin ng isa kong kaibigan kung ano pa ba ang silbi ng pagdadaan sa mga initiation, lalo na kung magdudulot ito ng kahihiyan sa isang tao. Mabuti sana kung ang initiation ay may isang praktikal na patutunguhan gaya ng pagpulot ng bagong kaalaman o pagtulong sa kapwa. Ngunit kadalasan ang resulta lamang ng initiation ay katuwaan lamang o di kaya ang pagsayang sa oras na pwede sana gamitin para sa mas mahalagang bagay.  Ang konklusyon namin, siguro kung ‘tradisyon’ ang mga ito at wala naman nasasaktan o naabala, wala naman masyadong masama sa pagiging bahagi ng isang bagay na dinaanan na rin ng lahat. Pero ang ‘tradisyon’ o ‘ugali’ ba ay mas importante kaysa sa puri at dignidad ng kapwa? Tama pa ba ang pagsali sa isang grupo kung ang gawain nila ay maaring makakasakit sa mga miyembro? Anong klaseng pakikisama ang madudulot nito? Sa tingin ko, may mali kung kailangan mapahiya ang isang tao para maging katanggap-tanggap sa isang grupo. Nakisama nga, pero sa anong halaga?

Alam ko na hindi mawawala ang kultura ng initiation, habang hindi nawawala ang hilig ng mga tao na magpangkat-pangkat. Ngunit kailangan rin isipin kung ang pakikisama ba ay mas mahalaga kaysa sa pagrespeto sa sarili. Kung ang initiation ay makakadulot ng kabutihan sa tao, mabuti rin na ipatuloy ito. Pero kung sa huli, mahihirapan na rin ang isang tao na tingnan ang sarili sa salamin, kailangan magisip tungkol sa ano ang totoong layunin at ninanais sa kaugalian na ito–at kung ito ba ay makakabuti sa sarili. Mahirap na mabuo ang isang mabuting pakikisama sa delikadong pundasyon.

Advertisements

One response to “Initiation: Simula para lang Makisama?

  1. madaming maling pananaw talaga pagdating sa salitang “initiation”. madalas puro negative maririnig mo at basically pag sinabing initiation dikit na ang salitang “hazing” & “fraternity”. un ang kinamulatan ng mga pinoy. pero personally speaking, ako oo miyembro ako ng isang fraternity. hindi ko maitatanggi na walang gulpihan na naganap or iba pang gawain na sumusubok sa tatag at dignidad ko nung sumali ako. pero natututo talaga ako, mas natuto ako nung naexperience ko un. dun din talaga nasubukan ang disiplina ko at pagmature ng isip sa mga bagay bagay. naassess ko din ung sarili ko sa dating mundo na kinagagalawan ko at sa bagong mundo na pinasok ko. oo alam ko madaming kokontra dun, pero mahirap intindihin ang sitwasyon kung di ka nagdaan dun. kaya ako hindi na talaga nagaabala pa ipoint out sa iba na ganito ganyan, kasi mahirap iexplain lalo na sa mga taong nasa labas ng sirkulasyon na iyon…

    masasabi ko lang sa panahon ngayon, ang dami ng nabago. at ung sinasabing tradisyon unti unti ng mas naayon at maniwala man kayo sa hindi, sa amin halos wala na ung old school gulpihan or old school “initiation”. HEHE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s