Dying Young: A Public Service Announcement

Bahala na si Batman

The Pinoy Mantra: Bahala na si Batman.. ohmm

Noong kolehiyo, sa isang klase namin sa pilosopiya, pinapili kami ng isang kataga o kahit anong pangungusap na sumasalamin sa personalidad namin o paniniwala. Noon, pinili ko ang isang linya mula kay Willard Motley — ‘live fast, die young and leave a beautiful corpse.’ Ironic, dahil tungkol sa buhay ang hinahanap kong salita o kataga noon. Ironic, dahil wala rin akong pakialam sa mga nangyayari ng mga panahon na iyon.

Ngayon, napapaisip talaga ako sa buhay. May mga tanong na sumusulpot, ‘Aabot ba ako sa ganitong edad’, ‘Matutupad ko kaya ang mga pangarap ko’, o ‘Mamamatay ba ako bago mag cuarenta?’ (Masyadong eksistensiyal, anong magagawa ko uso eh.) Pero kung tutuusin may punto din naman. Tama lang siguro na tanungin natin, kahit paminsan-minsan, ang mga sarili natin kung bakit nandito tayo.

Minsan naiisip ko ako lang ang taong nag aalala para sa kinabukasan. Ang dami kasing tipo ng pinoy na umaasa masyado kay batman. Yung tipo na wala ng makain ang pamilya mo, kung ano-ano pang ginagawa mong kalokohan. Minsan ang hirap maging pinoy na nag-iisip. Yung tipong sa dinami-dami ng tao sa ‘pinas, ikaw yung nag i-isang tao na gustong gawing tama ang lahat. At yung iba, patay-malisya na lang.

Madami kasi sa atin ngayon ang hindi na nag-iisip, banat lang banat. Recta, diretso, walang tigil. Mga taong hindi hugot sa ulo ang mga ginagawa. Oo, mahirap ang buhay — pero mas mahirap kapag wala ka ng buhay.

Pabilis na ng pabilis ang buhay, isang minuto lang may digmaan, sa susunod may lindol, at kung ano-ano pa. Sa dami ng iniisip at dapat gawin, minsan malilito ka rin. Kaya naman karamihan sa atin sinusulit na lang ang bawat oras, bawat saglit ng buhay. Inom doon, inom dito, shot lang ng shot ‘ika nga. Pero yung iba naman ‘di na nakakayanan, sumusuko na lang. Bumibitiw na lang ng kusa, doon din naman tayo papunta, at sana magkita, sa huli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s