Bakit kaya ang hirap magsulat sa sariling wika?

image via Philboxing.com

Bakit ang hirap magsulat sa Tagalog?

Ilang linggo kong pinag-isipan kung ano ang sunod kong ilalagay sa blog na to. Nagkataon kasi na dahil buwan ng Agosto ngayon, at kung huli ka na sa balita, ay Buwan rin ng Wika, at napagkasunduan na sa Filipino nakasulat ang mga ilalagay na post. Kaya para sakin, nadalian lang ako. Tagalog, diba? Sariling wika. Madaling magsulat gamit ang sariling wika.

Yun nga lang, mali pala ako. Inabot ako ng lagpas ng tatlong linggo kaka-isip ng magiging topic ng isusulat ko. At nang maka-isip nga, parang hindi ko masyadong ma-isulat sa Tagalog. Para bang masyado na akong nag-iisip ng Ingles kaya ngayon di ko mailabas sa sarili kong wika ang gusto kong sabihin.

Kahit ngayon, nahihirapan pa rin akong buuin ang artikulong ito. Masyado akong nag-aalala. Tama ba ang ginagawa ko? Ewan. Teka ano nga ba ang gusto kong sabihin?

Bakit ang hirap magsulat sa Tagalog?

O siguro kulang lang ako sa praktis. Sa tingin ko rin, hindi lang ako ang nagkakaganito. Malamang marami rin ang dumadaan sa ganitong pagsubok. Nung bata pa ko, madali lang magsulat pag sinabi ng guro ng Filipino. Sus, kayang kaya. Pero ngayon, patay. Mukhang babagsak ako sa asignatura. Kasi naman, sa kakaisip ko at kakawika sa Ingles, natabunan ang pagiging natural na Filipino-speaking ko. Or writer. Minsan din kasi kapag sinabi sakin na magsulat ako sa sariling wika, hindi ko alam kung papano. “Pwede po bang pagsalitain nyo na lang ako?” Isa pang nagiging problema kapag nagsusulat ako sa wikang Tagalog, di ko maiwasang gumamit ng malalim na mga salita. Dahil pa sa tubong Batangas ako at ang pag-bigkas at pagwika namin doon ay talaga namang kalalim, ah ah. Kapag nagsimula akong magsulat ay mga malalalim na salita ang mailalagay ko, na kahit sarili ko’y hindi ko maiintindihan. Kaya rin siguro marami ang nawili nang lumabas ang mga libro ni Bob Ong dahil bukod sa nakakatawa ito ay simple lang ang mga nakalagay na salita. Hindi pang-zarzuela level. Pero papano na siguro sa hinaharap? Mawawala kaya ang pagkalalim ng mga salita natin? Hindi naman siguro. Marami pa rin ang magtatanggol para mabuhay ito.

Huwag mong hintayin bumangon si Rizal sa pagkakahimlay. image via Qwezer.com

Nabanggit noon ng kasama kong si Borjie (ang co-author ng Extra Kanin) na ang sarap magsulat sa tagalog kasi parang maaaring straight to the point o masyadong matamis. Ang naalala ko lang na sagot ko, “masarap magmura sa sariling wika.” Yung malutong na sagad hanggang buto. Hehe pero hindi naman talaga yun ang gusto kong sabihin. Para sa akin, sa paggamit ng Tagalog o sa kahit anong wikang Filipino, mas damang dama ang gusto mong sabihin. Ano sa tingin mo ang mas mahirap sabihin pero mas masarap pakinggan, ang pagsabi ng “I love you” o “Alam mo, minamahal kita” sabay kindat. Dahil nga siguro hiram na salita ang Ingles, mas gusto nating mga Pinoy ang makarinig ng mga gusto nating salita sa sariling wika. Sige na nga, kahit baluktot ka pang bumigkas nang lenggwahe natin, pede na yan.

Ah, napagtanto ko na. Kulang nga lang ako sa pagsanay sa paggamit ng sariling wika. Bakit kasi masyadong tinuktok sa mga bunbunan natin ang paggamit ng Ingles simula pagkabata. Sobrang dumugo tuloy ang ilong ko nung binigyan kami ng proyekto sa college ng malupit naming guro sa Filipino sa unibersidad, kung saan pinalipat niya sa Tagalog ang buong libro namin sa thesis. Thesis yun, pre. Hindi isang pahina ng sanaysay. Malamang naabot ko ang level ni Balagtas noon. Pero balik English-speaking at writing na naman pagkatapos, kaya wala ring halos naging epekto. Parang biglang naging malungkot ang kwento tuloy.

(Side note: Hindi ko na tatalakayin pa ang mga jejemon dito at sa paggamit nila ng wika natin. Problema na nila yun.)

Balik sa tema ng artikulo.  Bakit ang hirap magsulat sa Tagalog? Pano ko matatapos ang artikulo kong ito kung nahihirapan akong mag-Tagalog?

Aba teka, marami na pala akong nasabi. Hindi ko namalayan ay nakapagsulat na ko nang isang buong post sa sariling wika (na may kasamang ilang hiram sa Ingles). Ayos, pwede na to. Ikaw na nagbabasa nito, kung naiisip mong nahihirapan ka nang magsalita at magsulat sa Tagalog, kulang ka lang sa hasa. Itigil mo muna ang pagiging conyo at subukan mo namang bigkasin ang wikang ginawa ng ating mga ninuno. Mas madadama ang gusto mong sabihin.

Advertisements

3 responses to “Bakit kaya ang hirap magsulat sa sariling wika?

  1. natanong ko din dati yan sa sarili ko. dahil din siguro sa colonialization kaya ganun? wahahaha naalala ko nung hs days, ung talasalitaan sa el fili at noli me tangere, ang titindi. dun ko narealize na ang lalim ng tagalog at parang mas madali pa intindihin ang ingles kesa sa sariling wika :))

    “sobrang dumugo tuloy ang ilong ko nung binigyan kami ng proyekto sa college ng malupit naming guro sa Filipino sa unibersidad, kung saan pinalipat niya sa Tagalog ang buong libro namin sa thesis. Thesis yun, pre. Hindi isang pahina ng sanaysay. Malamang naabot ko ang level ni Balagtas noon. ” — KILALA KO KUNG SINONG PROF TO. BWAHAHAHAHAHA! buti nalang hindi ko ginawa to dahil irreg ako kaya nung time na sumabay nako ng filipino sa lower batch binaligtad nya ung trip nya na 2nd sem parang indie film gagawin na dapat talaga pagtatagalog ng thesis ung gagawin. SWERTE! :))

    • Dahil na rin siguro sa lipunan, kung saan natatak sa isip natin na wala tayong class kung hindi nating kayang makipag-usap sa Ingles nang matagal. Kaya parang pag nakakarinig tayo ng Tagalog na dulaan, parang ang lalim pakinggan.

      Haha maswerte ka at di mo naging teacher si Filipino prof. Pero ang daya. Pinagtagalog na kami ng thesis, pinagawa pa rin kami ng indie film! Hahaha swabe lang.

      • wahahaha oo nakikita ko ung iba kong tropa nawiwindang magtranslate ng thesis para itagalog. kaya ako 2 beses nagindie film pero mas ok na un HEHEHE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s